Ipapalunok ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang bala sa sino mang mapapatunayang responsible ng Tanim-Bala sa Ninoy Aquino International Airport kapag naging presidente ito.
Sinabi ng alkalde na wala siyang ambisyong maging presidente, subalit kung sakaling mahalal siya ay papanagutin ang mga sindikatong nasa likod ng tanim-bala.
Wala aniya siyang pakialam kung mamatay ang lulunok ng bala at kung magbara man ito ay ipapaopera niya para lumaki ang butas na lalabasan nito.
Maging si Duterte na hindi kumbinsidong ang mga biktima ang nagdala ng bala dahil wala namang baril ang mga ito .
Kung sa Davao aniya nangyari ang tanim-bala ay papatayin niya ang mga gumagawa nito.
By: Aileen Taliping (patrol 23)