Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang publiko laban sa mga pekeng pagbebenta ng appointment forms sa pagpoproseso ng mga papel ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa POEA, marami sa kanilang aplikante ang nahuli dahil sa pamemeke ng mga appointment forms kung saan, base sa naging pahayag ng mga nahuli, mismong mga empleyado ng kanilang ahensya ang nagrecruit sakanila.
Dahil dito, nag paaalala ang poea sa mga naghahanap ng trabaho na ang appointment form ay libre at matatagpuan sa kanilang website na “ofwrecords.poea.gov.ph.”
Samantalala, ang mga sangkot naman sa pamemeke ng papel at opisyal na dokumento ng gobyerno ay mahaharap sa kasong kriminal. —sa panulat ni Angelica Doctolero