Binuksan na sa publiko ang Manila Ocean Park sa Maynila kasunod ng pagbaba ng restriction at alert level system sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila, ang muling pagbubukas ng tourist attraction ay malaking tulong upang mas maiangat ang ekonomiya ng bansa.
Bukas ang Manila Ocean Park simula Huwebes hanggang Linggo, alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon pero papayagan lamang na makapasok sa loob ang mga fully vaccinated individuals.
Hindi naman papayagang makapasok ang mga batang nasa edad 17 pababa. —sa panulat ni Angelica Doctolero