Umapela sa gobyerno ang Senatorial Candicate na si Teddy Baguilat na pigilan ang pagpasok ng smuggled na gulay mula sa China.
Aniya, dapat maging mahigpit ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs na mapigilan ang ilegal na negosyong ito kung saan naapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka at food security ng bansa dahil sa pagsasara ng mga merkado dulot na rin ng pandemya.
Samantala, sinabi ng United Nation’s Food and Agriculture Organization (FAO) na 59 milyong Pilipino ang dumaranas ng kakulangan sa pagkuha ng pagkain. —sa panulat ni Airiam Sancho