Pinayuhan ni Senador Francis Tolentino na gumawa nang malinaw na plano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa pagtapon ng milyon- milyong vials, hiringgilya, at karayom na ginamit sa pagbabakuna.
Aniya, posibleng banta ito sa kalusugan ng mga Pilipino sakaling mapabayaan.
Paliwanag naman ni denr Undersecretary Benny Antripoda, na inaayos sa mismong lugar ang mga ginamit na hiringgilya at karayom galing sa mga ospital.
Paalala naman ni Senator Cynthia Villar na pag-aralang mabuti ang hakbang dahil karamihan sa isinagawang pagbabakuna ay mula sa barangay at hindi sa ospital. —sa panulat ni Airiam Sancho