Muling iginiit ng Department of Health na walang overpricing sa pagbili nila ng mga ambulansya.
Ayon sa DOH, binili ang mga ambulansya sa pamamagitan ng competitive bidding na isinagawa ng 17 centers for health and development at 54 na DOH Hospitals.
Ang type 1 ambulance na binili ng kagawaran ay isang uri ng ambulansya na nangangailangan ng mas mataas na bilang ng kagamitan at pagsasanay at inaasahang magbibigay ng basic life support.
Kumpara ito sa ibang uri ng ambulansya na tinatawag na patient transport vehicle na mas mababa ang presyo.
Nilinaw ng DOH Na gaya ng mga pagkakaiba sa uri ng ambulansya, mayroon ding mga pagkakaiba sa uri ng medical equipment na kailangan sa loob ng type 1 ambulance kumpara sa hindi lisensyadong patient transport vehicle.
Nanindigan din ang kagawaran na na lahat ng pagbili o procurement sa loob ay mahigpit na sumusunod sa mga patakaran, alituntunin at regulasyon sa pagbili. –Sa panulat ni Drew Nacino