Bahagyang tumaas muli ang additional cases ng Covid-19 sa bansa, kahapon.
Sa datos ng Department of Health, umabot sa 5,823 ang naitalang karagdagang kaso kaya’t sumampa na sa 2,745,889 ang total cases.
Umabot naman sa 4,748 ang mga bagong gumaling dahilan upang umakyat sa 2,637,531 ang total recoveries.
Sumirit din sa 283 ang naitalang namatay kaya’t lumobo na sa 41,520 ang death toll habang nasa 66,838 ang aktibong kaso.
Samantala, dalawang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa Covid-19 document repository system.–Sa panulat ni Drew Nacino