Dumating na sa bansa ang karagdagang 1,160,730 doses ng Pfizer Covid-19 vaccine na binili ng gobyerno mula Estados Unidos.
Pasado alas-10 kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang eroplanong may lulang 813,000 doses ng Pfizer habang tig-101,79 doses ang inilaan ng National Task Force against Covid-19 sa Cebu at Davao Cities.
Nagpasalamat naman si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa U.S Government dahil sa commitment nitong ma-i-deliver ang malaking bulto ng mga bakuna.
Aabot na sa 12.7 million mula sa kabuuang 40 million doses na bakunang binili ng Pilipinas ang na-i-deliver na ng Estados Unidos. — Sa panulat ni Drew Nacino