Muling sinopla ng China ang mga diplomatic protest na isinampa ng Pilipinas laban sa kanila.
Iginiit ng Chinese government na ipagpapatuloy nila ang “law enforcement activities” sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito’y sa kabila ng reklamo ng Pilipinas na panggigipit ng Chinese vessels sa mga pinoy na nagsasagawa ng maritime patrol sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin, lehitimo ang kanilang law enforcement activities sa karagatang sakop ng Tsina alinsunod sa international law.
Aabot na sa 200 diplomatic protests ang inihain ng Department of Foreign Affairs laban sa China. –Sa panulat ni Drew Nacino