Ilang residente ng Barangay Talomo sa Davao City ang nagsilikas matapos umapaw ang Talomo River bunsod ng malakas na ulang dala ng Low Pressure Area (LPA) at intertropical convergence zone (ITCZ).
Ayon sa Davao CDRRMO, umabot sa critical level ang tubig sa naturang ilog kagabi kaya’t nagsilikas din ang ilan pang residente sa lungsod.
Mino-monitor na rin ng mga otoridad ang iba pang ilog at waterways sa Davao Del Sur.
Nailigtas naman ang isang driver matapos mahulog ang sasakyan nito sa ginagawang kalsada sa Barangay Biao Joaquin sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Samantala, bukod sa ilang bahagi ng Mindanao, nakararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng LPA at ITCZ ang VIsayas. —sa panulat ni Drew Nacino