Dapat maging positibo subalit maingat ang publiko sa gitna ng patuloy na pagbaba COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Dr. Jomar Rabajante ng University of the Philippines COVID-19 pandemic response team, bagaman mababa na, nakapagtatala pa rin ng libu-libong COVID-19 cases.
Pumapalo pa rin sa apat na libo hanggang limang libo ang kaso ngayong Oktubre na hindi nalalayo sa noong isang taon.
Batay sa huling datos ng DOH, umabot sa 5,823 ang additional cases na naitala kahapon.—sa panulat ni Drew Nacino