Nagdaos ng mock elections ang Comelec o Commission on Elections sa San Juan Elementary School sa lungsod ng San Juan.
Ayon sa Comelec, sakop ng voting simulation ang Barangay Balong Bato at Barangay Ermitaño na mayroong 4,235 registered voters.
Ang mock elections ay bahagi ng paghahanda ng poll body upang matiyak ang seguridad at kahusayan ng proseso ng pagboto, gayundin ang implementasyon ng basic health protocols.