Kapwa epektibo ang lagundi at tawa-tawa upang maibsan ang mga sintomas sa mild at moderate COVID-19 patients, batay sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST).
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, pawang may medicinal properties ang lagundi, tawa-tawa maging ang virgin coconut oil upang bigyang-lunas ang COVID-19 symptoms.
Napag-alaman sa kanilang clinical trials na ang lagundi, na kadalasang ginagamit kontra ubo, ay nakatutulong laban sa kawalan ng pang-amoy o anosmia ng mga COVID-19 patient.
Nakatulong naman ang VCO upang mabawasan ang viral load ng 60-90% at napigil ang pagdevelop ng severe o malalang COVID-19 symptoms.
Samantala, nawala ang mga sintomas ng mga may mild at moderate COVID-19 matapos ang tatlo hanggang limang araw nang bigyan ang mga pasyente ng tawa-tawa food supplement.
Base rin sa kanilang konklusyon, ligtas gamitin ang lagundi sa symptomatic treatment ng mild COVID-19 cases para sa mga walang comorbidities. —sa panulat ni Drew Nacino