Posibleng umabot ng 30 hanggang 40 minuto ang pagboto ng bawat botante sa eleksyon 2022 sa susunod na taon.
Ito ay ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mas matagal ito ng lima hanggang sampung minuto kumpara noong hindi pa nararanasan ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay Jimenez, isa sa dahilan kung bakit babagal ang oras ng kada botante ay dahil sa paglimita ng mga taong maaaring makapasok sa mga polling precincts.
Inaasahan namang maglalabas ang ahensya ng rekomendasyon hinggil sa isyu na nakita sa nangyaring voting simulation na ginanap sa San Juan Elementary School sa lungsod ng san Juan City.