Nilusob ng mga armadong lalaki ang isang piitan bago pinakawalan ang maraming preso sa Southwestern Nigeria.
Ayon kay Olanrewaju Anjorin, tagapagsalita ng Oyo Correctional Center sa Oyo state, bigla na lamang pumasok sa pasilidad ang mga salarin at pinalaya ang ilang bilanggo.
Sinasabing ito na ang pangatlong jailbreak sa Nigeria ngayong taon.
Tinatayang 4,000 preso na ang nakatakas mula sa iba’t-ibang bilangguan sa nasabing bansa mula noong 2017.