Nasakote na ng mga awtoridad ang most wanted drug lord ng Colombia na si Dairo Antonio Usuga.
Sinasabing si Usuga na mas kilala sa alyas na “Otoniel” ay lider ng Gulf Clan na matagal nang tinutugis ng batas sa nasabing bansa.
Pinuri naman ni Colombian President Ivan Duque ang pagkakaaresto kay Usuga kung saan inihalintulad pa niya ito sa notoryusong Colombian drug kingpin na si Pablo Escobar na nahuli noong 1990s.
Ang 50 gulang na drug lord ay nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal sa Brooklyn at Miami dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa international cocaine trafficking.