Makikipagpulong si Labor Secretary Silvestre Bello III sa kanyang counterpart sa Saudi Arabia sa gitna ng ikinakasang total deployment ban sa mga OFW sa nasabing bansa.
Iginiit ni Bello na nagbanta siya matapos hindi pauwiin ng Pilipinas ng isang abusadong retired General ang tatlong manggagawang Pinoy na inipit pa umano ang sahod.
Ayon sa kalihim, maaari niyang irekomenda ang total workers deployment ban kung hindi magbabayad ang mga employer ng sahod at end-of-services pay sa higit siyamnalibong OFW.
Nalaman na anya ng kanyang counterpart sa Saudi Arabia ang issue kaya’t isang pulong sa pagitan nila ang ikinakasa upang talakayin ang issue.
Nakatakdang magpulong sina Bello at Saudi Minister of Human resources and social development Ahmed Bin Sulaiman Al-Rajhi bago ang Asia and Middle East Labor Ministers meeting sa Dubai, UAE na kapwa nila dadaluhan.—sa panulat ni Drew Nacino