Hinimok ng Department Of Health (DOH), World Health Organization (WHO) at United Nations children’s fund ang lahat ng magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polio.
Noon lamang Hunyo ay inanunsyo ng Pilipinas ang pagwawakas ng polio sa bansa matapos ang 18 buwang outbreak response kung saan nakapagbakuna ng 11 milyong bata sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa Pilipinas, ang mga batang isang taon pababa ay nakatanggap ng unang dose ng polio vaccines sa isinagawang routine immunization, tatlong doses ng polio drops at isang dose ng inactivated polio vaccine.
Gayunman, halos kalahating milyong bata ang hindi nakatanggap ng oral polio drops noong isang taon dahil sa COVID pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino