Balik Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang lungsod ng Candon, mga bayan ng Narvacan, San Emilio at Galimuyod, Ilocos Sur.
Epektibo Oktubre 22 hanggang Nobyembre 24 ang MECQ dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Sa datos ng DOH– Region 1, malaking bahagi ng 1,743 active COVID-19 cases sa lalawigan ay mula sa mga nabanggit na lugar.
Magugunitang inilagay sa Enhanced Community Quarantine ang lalawigan noong Setyembre 22 matapos ang panawagan ng mga medical worker na higpitan ang restrictions dahil sa naka-aalarmang hawaan.
Samantala, mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine with heightened restrictions ang 28 bayan at isang lungsod hanggang Oktubre 31. —sa panulat ni Drew Nacino