Pumapalo na lamang sa 73 mula sa 88 ang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown.
Ipinabatid ng PNP na ang mga lugar na nasa granular lockdown ay nagmula sa 49 na Barangay sa limang lugar na sakop ng distrito ng NCRPO.
Ayon sa PNP, nakakalat na ang 281 tauhan ng PNP sa mga nasabing lugar katuwang ang 179 force multipliers.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)