Umabot na sa mahigit 41-K bilang ang tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ng 35.
Ayon sa PNP Health Service, patuloy pang minomonitor ang nasa 792 pang aktibong kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, umabot na sa 40.7-K kabuoang bilang ng mga nakarekober habang nananatili naman sa 123 ang bilang ng mga nasawi. —sa panulat ni Angelica Doctolero