Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng 3rd dose o booster shot ng COVID-19 vaccine sa priority groups sa November o December.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay na lamang ang Emergency Use Authority na magmumula sa Food and Drug Administration para sa pagtuturok ng 3rd dose.
Una rito, inaprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng health technology assessment council na pagbibigay ng dagdag na anti-virus shot sa mga health care worker at iba pang kabilang sa priority groups.
Nitong Oktubre 21, nasa mahigit 25 milyon na ang fully vaccinated sa bansa, 32.54% ito ng 77 million population na target ng gobyernong mabakunahan.—mula sa ulat ni Aya Yupanco (Patrol 5)