Sa ika-6 na sunod na taon, nahigitan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang target collection nito.
Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, lagpas na ng P2.29 bilyon o 43.5% ang kanilang koleksyon para sa taong kasalukuyan.
Pagmamalaki ng opisyal, ito’y bunsod ito nang pagsisigasig ng mga tauhan ng ahensya upang istriktong mapasunod ang mga stakeholders sa pag-remit ng spectrum users’ fees, supervision at regulation fees at penalties.
Sinasabing actual collection ng ahensya ay umabot na sa P7.57 bilyon hanggang nitong October 15, 2021 na lagpas na sa target collection na P5.27 bilyon.
Nahigitan din ng NTC ang kanilang koleksiyon noong 2020.
Labis naman ang pasasalamat ni Cordoba sa mga bumubuo ng NTC at ng Department of Information and Communications Technology, kabilang si DICT Secretary Gregorio Honasan II.