Humataw sina presidential aspirant Bongbong Marcos at Sen. Bong Go sa pinakabagong survey ng Publicus Asia Inc. para sa presidential at vice presidential race.
Batay sa resulta ng survey, lumitaw na si Marcos ay nakakuha ng 49.3% rating, kasunod si Vice President Leni Robredo na may 21.3% sa hanay ng mga naghain ng kandidatura sa pagka-presidente.
Nakabuntot naman sa ikatlong puwesto si Manila Mayor Isko Moreno (8.8%), sumunod sina Sen. Panfilo Lacson (2.9%), Sen. Manny Pacquiao (2.8%) at Sen. Ronald dela Rosa (1.9%).
Para naman sa mga kakandidatong bise presidente, may 23.6% rating si Go, sinundan ni Doc Willie Ong (19%) at Senate President Tito Sotto (17.3%), kung saan pang-apat si Sen. Kiko Pangilinan sa 12.3%, at sumunod si Buhay party-list Rep. Lito Atienza (2.6%).
Nabatid na may kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa survey na ikinasa ng Publicus mula Oktubre 11 hanggang 18, taong kasalukuyan.