Sisimulan na ngayong linggo ng Department of Health ang planong pagpapaigting ng Covid-19 vaccination sa mga kabataan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magiging prayoridad sa pagbabakuna ang mga kabataang may comorbidity na paabutin hanggang sa labas ng National Capital Region.
Sinabi pa ni Vergeire na matapos aprubahan ng World Health Organization (WHO) ang expansion ng adolescent vaccination roll-out ay maituturing na tagumpay ang naunang dalawang phase ng pagbabakuna dahil walang naitalang serious adverse effects sa mga kabataang naturukan ng bakuna.
Nagpaalala naman si WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na kailangang matiyak ng ahensya na magiging patas ang pamamahagi ng bakuna sa mga probinsya at Metro Manila. —sa panulat ni Angelica Doctolero