Nabakunahan na kontra COVID-19 ang 9,928 mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos na may comorbidities.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, 10 lamang ang naitalang minor adverse reactions matapos mabakunahan kung saan tatlo rito ay nagkaroon ng allergic reaction, tatlo ang nakaranas ng anxiety at apat naman ang nakaranas ng minor reactions.
Aniya, isang buwan pa ring isasailalim sa monitoring ang mga batang nakaranas ng adverse reactions.
Sinabi pa ni Vergeire na walang naitalang serious adverse effects sa mga menor de edad.
Mababatid na tanging ang Pfizer at Moderna ang pinapayagang maiturok sa mga 12 hanggang 17 anyos sa ngayon sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica DoctoleroH