Umabot na sa 23,569 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 141 mga bagong kaso.
Batay sa pinakabagong datos ng DFA, nasa 8,338 mga pasyente ang kasalukuyang sumasailalim sa gamutan.
Umakyat naman sa 13,833 ang bilang ng mga Pilipinong nakarekober sa sakit matapos makapagtala ng 102 new recoveries.
Samantala, umabot na sa 1,398 ang death toll makaraang madagdagan ito ng tatlo.
Nangunguna pa rin ang Middle East o Africa na may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na may 13,125 cases, sinundan naman ng Asia Pacific Region na may 5,752 cases, habang ang Europe naman ay may 3,651 cases, at Amerika na may 1,041 cases. —sa panulat ni Hya Ludivico