Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipinahiram ng pribadong sektor sa gobyerno ang 400,000 Moderna vaccine vials na mag eexpire sa Nobyembre.
Ayon kay Vergeire, ang ginawa ng pribadong sektor ay sakop ng kasunduan sa pagitan nila upang hindi masayang ang mga bakuna.
Ang 356,000 doses ng bakuna na binili ng pribadong sektor ay ipinamahagi sa CALABARZON at Central Luzon.
Tiniyak naman ni Vergeire na bagong stock ang ibibigay nilang kapalit na bakuna sa pribadong sektor. —sa panulat ni Hya Ludivico