Inaasahan ng gobyerno na matatapos ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad sa Disyembre.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kapag natapos na mabakunahan ang mga bata ay isusunod na ang iba pang mga sektor.
Sinabi pa ni Galvez na makakatulong ito para makarekober ang mga bata sa nawalang panahon matapos makulong sa bahay ng halos dalawang taon.
Maliban dito, mawawala rin aniya ang pangamba ng publiko sa COVID-19 vaccines kapag naging matagumpay ang pagbabakuna sa mga bata at estudyante. —sa panulat ni Hya Ludivico