Nakatakdang subukan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumawa ng mga perang gawa sa plastik na materyales o tinatawag na “Polymer Banknotes”
Ayon sa BSP, mas makakatipid, matibay at masusubukan ang magiging epekto nito sa publiko.
Paraan din ito upang matigil ang pamemeke ng ilang mga sindikato sa pangongkopya ng pera ng bansa.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang BSP sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga mangagawa ng abaca dahil tiyak na maapektuhan ang mga ito. —sa panulat ni Airiam Sancho