Kikilos ang Committee on Energy (COE) sa Kamara upang alamin kung sinasamantala ng mga kumpanya ng langis ang pagtataas ng presyo sa gitna ng pandemya.
Ayon kay House Energy Comittee Chairperson Mikey Arroyo, panahon na upang repasuhin ang mga kompanya ng langis kung may pang-aabuso ito sa publiko.
Tiniyak naman kongresista na suportado ng komite ang rekomendasyon na amyendahan ang Republic Act 8479 o Oil Deregulation Law na layong bigyan ng kapangyarihan ang pamahalaan na tugunan ang problema sa hindi namomonitor na pagtaas sa presyo ng langis. —sa panulat ni Airiam Sancho