Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ipinagpaliban lamang ng ilang pampublikong paaralan sa bansa ang paglahok sa pilot run ng face to face class.
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, hindi umatras ang ilang paaralan sa halip ay nagdesisyon lamang na ipagpaliban dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Aniya, posible rin na madagdagan pa ang siyam na pung pampublikong paaralan para sa target isang daan na makikibahagi sa limitadong face-to-face class. —sa panulat ni Airiam Sancho