Tumaas na ang bilang ng mga sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila kasabay ng pagbaba sa alert level 3 sa buong rehiyon.
Ayon kay MMDA General Manager Romando Artes, malapit na sa pre-pandemic ang dami ng sasakyang naitatala sa kalsada kada araw.
Aniya, nasa mahigit 400,000 noon ang mga sasakyan noong pre-pandemic, ngayon ay nasa 398,000 libo na ang naitatalang sasakyan.
Gayunman, nananatili pa ring maayos ang daloy ng trapiko kumpara noong walang pandemya.