Pinabulaanan ni Senator Christopher Bong Go ang mga kumakalat na impormasyon na maaari siyang umatras para mag-give way sa ibang kandidato sa pagkapangalawang pangulo.
Ayon kay Senator Go, desidido siya sa pagtakbo sa naturang posisyon.
Bagama’t sinabi ni Senator Go na nasa kamay ng kanilang partido na PDP Laban ang pagpapasya sa kung sino ang mga tuluyang mamanukin sa 2022 elections, pero 100% aniya siyang desidido sa pagtakbo sa vice presidency.
Samantala sinabi ni senator go na prerogative ni mayor Sara Duterte na makipag-usap sa mga gusto niyang kausaping kandidato.—mula sa ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)