Naitala noong isang taon ang pinaka-mainit na panahon sa kasaysayan at ang asya ang pinakanapuruhan, batay sa ulat ng United Nations.
Sa annual ‘state of the climate in asia’ report ng UN World Meteorological Organization (WMO), bawat lugar sa rehiyon ay lubha umanong naapektuhan.
Ayon sa WMO, libo-libo rin ang namatay, milyon-milyon ang naapektuhan at daang-daang bilyong dolyar ang halaga ng mga napinsalang imprastraktura at ecosystems.
Inilabas ang report ilang araw bago ang COP26 o UN climate Change Conference na magsisimula sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 12.—sa panulat ni Drew Nacino