Isa ang patay habang apat ang naaresto makaraang masabat ang nasa P6.9 milyon na halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Albay at Camarines Sur.
Kinilala ni Col. Bernardo Perez, Hepe ng Camarines Sur Provincial Police ang napatay na si Alvin Baldoza, 36 anyos, sa inilunsad na buy-bust operation sa Barangay Palestina, sa bayan ng Pili.
Isang undercover agent ang pinagbentahan ni Baldoza ng aabot sa P300,000 na halaga ng shabu.
Narekober naman sa suspek ang isang Caliber 45 pistol na kargado ng bala, digital weighing scale at isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Sa lagonoy naman, natiklo naman ang Barangay Captain na si Chiz Navea nang madiskubre sa kanyang bahay ang nasa 25 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.
Timbog din sina Redentor Agna, ng libmanan sa pagbibitbit ng walong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P8,000; Kim Cherriely Rojo ng Camarines Norte at Jasser Samporno ng Legazpi City, Albay dahil pa rin sa droga.—sa panulat ni Drew Nacino