Muling ipinaalala ng Department of Health sa mga Local Government Units na higpitan ang pagpapatupad ng mga health protocols laban sa COVID-19.
Kabilang na rito ang paglilimita o pagbabantay sa mga nabubuong mass gathering sa mga lungsod na nakita sa mga post sa social media, na tila hindi na nasusunod ang social distancing.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit pa ring susundin ang maximum 50% capacity para sa mga outdoor parks tulad ng beach resort, sa ilalim ng alert level 3.
Hindi aniya dapat baliwalain ng mga LGU ang napagkasunduang safety protocol upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino