Sinementuhan na ng PDP-Laban, sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi at reform party ang kasunduan upang patatagin ang kanilang alyansa sa 2022 elections.
Kasama si PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, nilagdaan ni Cusi at ni Dating Magdalo Member at Reform Party President, Col. James Layug ang kasunduan sa isang seremonya sa Manila Yacht Club.
Magugunitang nangako si Layug na i-e-endorso Ang Vice Presidential bid ni Senator Bong Go sa 2022 polls.
Bagaman nag-file ng Certificate Of Candidacy sa pagka-Pangulo si Senator Ronald Dela Rosa sa ilalim ng PDP-Laban, hindi pa inaanunsyo ng alyansa ang kanilang common presidential candidate.—sa panulat ni Drew Nacino