Binuksan na muli ang molecular laboratory ng Oriental Mindoro matapos ipatigil ng Department Of Health (DOH) ang operasyon nito noong Setyembre.
Ayon kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor, mahalaga ang pag-o-operate ng laboratoryo para sa mas mabilis na pagsasagawa ng tests at pagpapalabas ng mga resulta.
Mababatid na ipinatigil ng DOH ang operasyon ng naturang pasilidad dahil wala itong bakod at lababo.
Samantala, hiniling naman ni Dolor sa DOH na ibigay na ang ipinangakong RT-PCR machines sa probinsiya.
Malaking tulong umano ang RT-PCR machines hindi lang para sa Oriental Mindoro kundi maging sa mga kalapit na mga probinsiya.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico