Iniulat ng Philippine Statistics Authority o PSA na mas kaunti ang bilang ng mga isinilang ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon.
Batay sa preliminary data ng PSA, nasa 703,400 ang bilang ng mga isinilang mula Enero hanggang agosto, kumpara sa 981,270 births sa kaparehong panahon noong 2020.
Ang bilang ng mga ipinanganak sa unang tatlong quarter ng taon ay maituturing na pinakamababang bilang sa loob ng 35 taon.
Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga nasawi, mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, kung saan umabot ito sa 486,401 kumpara sa 400,501 sa parehong panahon noong nakaraang taon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico