Sisimulan na ang malawakang pagbabakuna sa mga menor de edad sa ika-5 ng Nobyembre.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binubuo na ang guidelines para sa pagbabakuna sa mga edad dose hanggang 17 anyos.
Una nang sinimulan ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may comorbidities.
Batay sa huling datos ng DOH nitong Lunes, umabot sa halos 10,000 batang may comorbidities ang naturukan ng COVID-19 vaccine. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)