Nasa hightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa Undas 2021.
Sinabi ni PCG Commandant, Coast Guard Vice Admiral Leopoldo Laroya, pinaghahandaan na nila ang inaasahang pagdami ng mga pasahero sa mga pantalan na uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Kasabay na rin aniya nito ang pagdagsa ng mga tao lalo na ang fully vaccinated individual sa iba’t ibang tourist destination na unti-unti nang nagbubukas.
Dahil dito, nagpaalala ang PCG sa publiko na maging ma-ingat at mapagmatyag sa darating na holiday para maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na mga insidente.