Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang mga magtutungo sa sementeryo na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit.
Ito umano ay para iwas abala dahil kukumpiskahin lang din ang mga ito pagdating pa lamang sa gate ng sementeryo.
Kabilang sa mga hindi pinapayagang ipasok sa loob ng sementeryo ay mga patalim, sigarilyo, vape, flammable materials, pabango, mga pangsugal, drones at maging mga alagang hayop.
Pinaalala rin na bawal pumasok sa loob ng sementeryo ang mga menor de edad at senior citizens.