Ikinukunsidera umano na maging running mate ni Bongbong Marcos si Sen. Manny Pacquiao.
Ito ang inihayag ni Sen. Imee Marcos ay kung handa si Pacquiao na mag slide down sa pagka Bise Presidente.
Ayon kay Marcos, maganda kung sila ang magtandem dahil taga Mindanao si Pacquaio at popular.
Humahanap talaga sila aniya ng makakatandem ni Bongbong na ang balwarte ay sa Visayas at Mindanao dahil sa malakas naman umano si Bongbong sa sinasabing solid north at malakas din ito sa National Capital Region.
Hinahanap din anya ni Bongbong na makatambal ay makakasundo nito sa trabaho, may tiwala siya at yung magkakaintindihan silang dalawa. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)