Nasawi ang apat na miyembro ng isang pamilya sa naganap na sunog sa Delhi, India.
Ayon sa mga otoridad, nangyari ang insidente habang natutulog ang mga biktima.
Natulog umano sa ikatlong palapag ng bahay ang mga biktima at tanging ang 22 anyos na si Akshay ang nakaligtas sa sunog na natulog sa ikalawang palapag ng bahay kaya mabilis itong nakaalis mula sa nasusunog na bahay.
Sinabi ng Delhi Fire Service, suffocation ang sanhi ng pagmakatay ng mga biktima.—sa panulat ni Hya Ludivico