Nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamababang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department Of Health o DOH, nasa 3, 218 ang karagdagang kaso ng virus.
Habang ang aktibong kaso ng virus ay nasa 50,152 sa Pilipinas.
Nasa 2,768,849 ang kabuuang bilang ng covid-19 case sa bansa.
Habang nasa 2,676,349 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 6,660.
42, 348 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang 271 na panibagong mga nasawi sa virus.