Naghahanda na ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) sa posibleng pagdagsa ng mga motorista kasabay ng pagluluwag ng travel restrictions sa Metro Manila dahil sa Undas 2021.
Ayon sa MPTC, naka-heightened alert na sila simula pa noong 22 ng Oktubre at inaayos na rin nila ang customer services at paiigtingin ang ipinapatupad na health protocols para sa proteksyon ng kanilang tauhan at mga customer.
Nakatakda ring i-deploy ng MPTC ang 1,200 patrol crews, traffic marshals, security teams at lane personnel.
Samantala, isususpindi naman ang ilang konstruksyon at isasara ang ilang lane sa kahabaan ng mainline road ng lahat ng MPTC Expressway mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2 maliban na lamang kung kailangan talagang ayusin ito.