Patay ang mag-ina matapos mabangga ng isang fuel tanker truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bahagi ng Quirino, Quezon Province.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pauwi na sana ang mag-inang sina Dionisia Tagarino, 50 at Joel Tagarino, 20 anyos nang masalpok ng nabanggit na truck.
Naisugod pa sa ospital ang mag-ina, pero idineklara silang dead-on-arrival ng mga doktor.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng fuel tanker truck na si Rhonel Tampos, 35-anyos na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide matapos sumuko sa mga awtoridad.—sa panulat ni Angelica Doctolero