Nagpahayag ng pangamba ang isang eksperto kaugnay sa panawagang ibalik na sa 100% ang kapasidad sa mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin, dapat ay maghinay-hinay lang sa pagluluwag ng mga ipinatutupad na health protocols.
Ani Limpin, nauunawaan niya kung bakit ito iminumungkahi lalo’t bumababa na ngayon ang kaso ng COVID-19.
Ngunit nakakapangamba kasi umano ito na maging dahilan ng “fourth wave” o muling pagsirit ng kaso ng COVID-19.