Kaisa ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang ang mga Southeast Asian Leaders na mapabilis angpagbili ng karagdagang bakuna laban sa COVID-19.
Ito’y kasunod ng panawagan ng pangulo sa ASEAN Secretariat na gamitin ang COVID-19 response fund upang mapadali ang pagbili ng nasabing bakuna.
Aniya, kailangan na magkaisa ang 10 miyembo ng ASEAN upang matagumpay na matalo ang pandemya.
Samantala, ang panawagan ay ginawa ng pangulo sa ginanap na 38th Association of Southeast Asian Nations Summit (ASEAN). —sa panulat ni Airiam Sancho